gaano katagal makalimutan ng isang tao ang mahal niya?
ang mahal niyang ginago naman siya at iniwan para sa iba.
gaano rin katagal bago malaman niya na meron namang nagmamahal sa kanya ng lubos?
lubos pa sa inaakala niyang kayang ibigay ng dati niyang mahal.
gaano katagal maghihintay at pagmamasdan ang taong iyon bago malaman at mapansin na nasa
tabi ka lamang niya?
Hindi ba niya makita o maramdaman lamang na nasa tabi niya lang ako?
na habang nagluluksa siya at naghihirap ako rin ay nagkakaganoon.
na habang nasasaktan siya nasasaktan rin ako?
na sa lahat ng luha na binuhos niya, dugo ng palad ko ang katumbas.
mga sugat na matagal humilom, lahat nag-iiwan ng marka sa kamay ko.
lahat ng sakit na dinaranas niya doble ang nararamdaman ko.
ganito ba ang kapalit ng m pagmamahal na binibigay ko?
puro pasakit, wala man lang ginhawa sa buhay.
ang tanging bagay na nagpapatuloy sa akin ay ang pangarap na balang araw ay mamahalin rin niya ako. balang araw mapapansin rin niya ako!
na sa bawat minuto ng araw ako iniisip niya, at sa bawat gabi ng pagtulog nia ako ang napapanaginipan niya.
sapat na iyon para ipagpatuloy ko ang pagmamahal ko sa kanya. kahit MALABO, sige, patuloy parin. kahit MASAKIT, di bale na iyon, makita ko lang siyang ngumiti at tumawa. at kahit MATAGAL, maghihintay parin ako...
gaano pa man iyon...
alix | 6:18:00 PM